Tuesday 10 April 2012

Oda sa Salita


Ikaw,
Natatakot ako sa'yong lakas,
potensyal man o ganap na
tumunaw ng bundok,
lumunod ng buhay,
pumatay ng apoy,
kumalawang ng asero,

Pero gayunpaman, 
hinintay ko ang iyong pagpatak.

No comments:

Post a Comment