Monday 27 August 2012

Kay Tiya Edad


Sa susunod na mga araw, gugunitain na namin ang unang anibersaryo ng kamatayan ng aking tiyahin na nag-aruga sa aming walo. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa aking memorya ang naganap na libing noong isang taon. Nagsiuwian ang mga kapatid ko mula Maynila, Australia at Netherlands. Nagdatingan rin ang mga kamag-anak namin na halos hindi ko na nakikita mula nang mag-away away sila ng aking mga magulang. Gayundin kaming magkakapatid. Si Tiya Edad marahil ang tanging nagbubuklod sa amin.

Sa kanyang kamatayan, nagawa pa rin ni Tiyang kami'y pagtagpu-tagpuing magkakamag-anak kahit na milya milya na ang layo ng mga loob namin sa isa't isa. Kahit kami magkakasama sa lamay, para bang hindi rin kami nagkakausap madalas. Naiilang pa rin kami sa isa't isa. Tanging mga kwento tungkol sa masasayang araw namin kasama ni Tiya Edad sa Libmanan ang napapagkwentuhan namin. Kung pano kami ginigising at pinapaliguan habang may inaantok pa, kung papano kami pinagtatanggol ni Tiya sa mga umaaway sa amin. Tanda ko, isang hapon umuwi yung pinsan kong si Cathy na umiiyak, inutos ni Tiya Edad kay Kuya Boboy na hanapin ang bata at sabi niya, "darhon mo ining payong, sukbita". Tinawanan namin ang kanya-kanya naming kwento ng kapasawayan, kung ilang beses kaming napalo ng stick ng kawayan at kung ilang beses rin naming matagumpay na naitusok sa kanal ang pamalo ni Tiya. Si Ate Patet naman kwinento ang dahilan kung bakit namin tinawag si Tiya Edad na Popi. Nang minsang naghahanap siya ng panty, bigla niyang nakita ang pangalang Popi, buong araw niyang inisip kung sino ito, at nang ikutin niya ito, Idad pala ang nakasulat. Inakala niya pa naman niya na may bagong sulpot na tao sa bahay.Dahil doon nabinyagan si Tiya ng bagong pangalan.

Sa halip na tahimik na burol, umapaw ang tawanan namin habang sinasariwa ang makulay na bokabularyo ni Tiya na tubong La Purisima, Nabua. Para sa kanya ang pusa ay kurasmag, ang manok ay malpak, ang aso ay dayo, ang tubig ay melbig, ang pera ay samagtak, ang bibig ay nguraspak, at marami pang iba. Marahil nakatulong din ang pag-alala naming iyon para malimot rin ang mga iringan at hinanakit. At sana'y hindi pa huli ang lahat sa amin.  

Masakit ang lisanin ng minamahal. Ngunit marahil tanggap na rin namin ang kanyang pamamaalam. Pinagpapalagay ko na lamang na ang kamatayan ay higanteng sibuyas na biglang hiniwa-hiwa upang sabay-sabay tayong lumuha habang umaalala't lumilimot.

Sunday 26 August 2012

Kagat ng Yamot


Naiinis ako sa sarili ko kasi para na naman akong balloon na biglang pinawalan habang nawawalan ng hangin. parang rocket na walang direksyon. Waaaa! di ko na alam na naman ang gagawin. lumulobo ang problema, habang pinoproblema ako kung saang pupunta ang buhay ko, saan ako mauubusan ng hangin, saan mauubusan ng lakas. Masakit ang ulo, di alam ang gagawin.

Masaya ngunit kulang. Parang walang makapupuno sa puwang na ito. Wala.

Gusto kong sumigaw. Lunurin ang sarili ko sa ingay. Pero mas gusto ko pa rin ang mag-isa. Ayoko muna ng kasusap. . Pero takot akong kausapin ang sarili, gaya ngayon. Mas gusto kong matulogGusto ko munang huminga, kahit pagod na pagod ang aking baga. Wala nang yosing mahihithit, bawal din kasi kina ermats at erpats.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagtanda, ang paghina ng katawan. Alam kong 50 years old ang lifespan ko. Tinanggap ko na yun. Napanood ko yun sa isang karakter na ang pangalan ay Boris na ayaw niyang umabot ng 50, kapag dumating yun, babarilin daw niya sarili niya. Baka ganun din ako. Minsan 'di ko nakikita ang punto ng mabuhay. Parang kung walang sining sa buhay ko, wala na siguro akong titingnang halaga o silbi ng buhay. Mas iisipin kong aksidente lang ang buhay na ito, at ako'y gumagalaw lamang ayon sa natura ng aking pag-iral.

Naiinis akong unti-unting nababasag sa harapan ko ang mga bagay na niyakap ko. Para silang mga kastilyong buhangin na tinuyo ng araw at unti-unting hinihipan ng hangin. Ang maliliit na butil ng mga ideya't emosyong kaakibat ng mga ito'y kumakalas, at bumabalik ako sa pagkawalang hugis. Sa puntong ito ng buhay ko, nakararamdam ako ng mas matinding kaba. Mas hindi ko alam ang darating, kahit napaka-predictable kong tao. At kahit napakadali kong basahin. Walang naitatago ang mukha ko. Kitang kita ang kaba sa mukha ko.

Saturday 18 August 2012

spaces

We create
s  
   p
      a
            c
                    e
                           s
so our worlds can exist in there.

Saturday 4 August 2012

salmons

Watching
salmons going home.
Some landed in the hands of bears,
Some aborted caviars,
Some turned red
and gave birth
and died.
Such carnage.
and the offsprings
swam down the current,
went to sealed tin cans,
landed in supermarket racks,
and was served in tables
of giants eating
while watching
national
geo
graphic.