Monday, 17 December 2012

The Feast


The dreams of lovers are like good wine
They give joy or even sorrow.
Weakened by hunger, I am unhappy.
Stealing on my way everything I can
Because nothing in life is free.

Hope is a dish too soon finished.
I am accustomed to skipping meals.
A thief alone and hungry is sad enough to die.
As for us, I am bitter, I want to succeed,
Because nothing in life is free.

Never will they tell me that I cannot shoot for the stars;
Let me fill you with wonder, let me take flight
We will finally feast.

The party will finally start
And bring out the bottles, the troubles are over.
I'm setting the table; tomorrow is a new life.
I am happy at the idea of this new destiny.
A life spent in hiding, and now I'm finally free.
The feast is on my path.
-Le Festin, Michael Giaccino

Every time I go to class, I feel like going to a feast. My disposition is very positive and excited. It’s not that I consider this subject as an escape from all other subjects I take this semester,  it’s just that I discover something new in every discussion that takes place in the small space of D313. I love how language was compared to grapes and wines during past discussions. Whenever we press keys on the keyboard, our fingers turn into beautiful muses dancing on a wine press in a celebration we share with our selves. Then we wait for the next celebration, for when the wine finally ferments and is ready for others.  We savor every drop of it, as we have done in the waiting, before we let it let us be who we are.

Language is one thing we celebrate everyday. Language is a feast, a smorgasbord of surprises, inviting our tongues to dwell in it—to experience it and to live it. My chef brother once told me that the number of dishes that can still be discovered is as many as the stars that can still be discovered in the sky, and that is why gastronomy sounds like astronomy. I laughed at him then, but somehow it makes sense to me now. Some dishes can make us remember happiness or sadness or fright. Some texture can scare us to death on the first encounter, some can comfort our souls in solitude, while some titillate our palates in excitement. We sometimes judge by their color or presentation before we take a bite if we even take a bite or sip at all. Some food fool us with their appearance, some surprise us with their hidden delight. Most of the time we look for something that isn’t there—that taste our tongues try to figure out in confusion.  Of course, we have our favorite dish. We expect it to taste the same but there’s a different experience every time we taste it. We also try to avoid eating it everyday, because it might lose its power over us.

There is no standard recipe for every good food, we know the taste by heart. The measures are like the language structures we have. They are there so we have something to start with. If we stick to the taste preferred by others, then we will never discover things unique to us. In my whole kinalas experience, nothing was more sensational than discovering that supping beef kinalas is best while chewing pork hopia bread at Gotobest, but I would never have discovered how wonderful this new taste was, had I not tasted kinalas or hopia before. On the other hand, I really could not tell whether the Couscous and Ossobuco really tasted as they would in Italy when I first tasted them, but my tongue loved them. 

Tasting food is art. We do not gobble down food without savoring the flavors. It is not just a pragmatic human activity—like eating in a rush lunch break or feeding on a pack of instant noodles. That is why more than eating or gobbling down, we savor our food by letting it dance with our tongue. We chew it well so flavors come out.  We chew it well so the nourishment is easily digested and absorbed. Language is like food, we may find a small piece of fish more nourishing than a plateful of sweets. We cannot live eating sweets alone, bitter herbs and vegetables can enhance our dining experience. The food can be bland but if it offers more nourishment, sooner we’ll learn to love it and our taste will prefer it. Things do change. What has been delicious before, might not be delicious tomorrow.

One thing I love about Naga is that there are lots of restaurants and eateries that offer a variety of taste and culinary experience. Pancit alone has a hundred—or even a thousand—variations; Kinalas is reinvented and rediscovered every day; and the viands have the colors of fiesta.  Compared to a fast food joint, where burgers follow what the machine has programmed, these restaurants and eateries believe that food must be made in the slow process of cooking, like boiling kinalas in medium fire for many hours. You cannot just pressure cook the kinalas, else you will lose the meaty taste embedded between bones and tendons.

This variety of taste that restaurants and eateries offer makes you want to know the place further. Nothing excites me more when going to a place than trying their delicacies and gourmet food. The lechon of Cebu, bagnet of Ilocos, or longganisa of Lucban reflect the lives of people who have shared them over the ages. No one can own the recipe of Kinalas, it is something we Naguenos share. We have our share of personal stories of Tiya Kamot’s, Tiya Ced’s or Tiya Cely’s Kinalas recipe, because Kinalas has limitless possibilities of discoverable taste. We can always add ingredients to suit our palate. We can always rediscover.

To eat Kinalas is a gathering, whether we are in Dayangdang or in Barlin or even when it is served outside Naga. We will always find a way to search for it and have conversations. Sitting in my brother’s restaurant in Sta. Mesa, and listening to the words exchanged by customers amazed me. It was like being in Naga. We are owned by our tastes, by Kinalas and by the language we speak.   

On the other hand, Sukang pinakurat tells a different story. To experience that Visayan gourmet vinegar is something sublime, that even when Datu-Puti mass-produced it, they could not copy the taste and experience. We have experiences that can never be captured, simplified nor transformed into something instant, just like an authentic emotion that can never be transformed into an internet meme. It can replicate, mutate, or transform but it will never come close to the original.

Just like language, food connects our tongues. We become friends, admirers, critics, or connoisseurs because we have the power to distinguish flavors and love the unique experience we share in dining.  
Just like gastronomy, we do rediscover language everyday as we give new meaning to an experience. Just as Chef Auguste Gusteau tells Remy in Ratatouille, “Everyone can cook”, I say “everyone can say something new”.  Language lets us discover a new dish or a new taste we can contribute to the stars we’ve known in the skies. Let’s bring out the bottles, the feast is on its way.

Kumusta? Nagkakan ka na?


Reflection paper for Philosophy of Language and Culture

Kung bakit ang drayber ay sweet lover


Badtrip ako sa mga drayber ng jeep, parati akong nahuhuli sa klase dahil sa kanila. Yung 30 minutos kasing biyahe mula Villa Corazon patungong centro umaabot ng 45 minutos o minsan isang oras. Lagi tuloy akong warning sa mga subjects kong pang 7:30 ng umaga. Minsan inorasan ko talaga ang buong biyahe namin, ginamit ko ang split timer ng cellphone, at nakumpirma na kalahati ng oras ng biyahe namin ay nauubos sa paghihintay. Unang terminal ay lima hanggang sampung minuto sa ilalim ng overpass ng Villa Corazon na walang silbi kundi lalagyan ng tarpaulin ni LRay Villafuerte. Pangalawang hinto ay dalawa hanggang limang minuto sa tapat ng Casureco II kung saan hihintaying lumabas ang mababagal maglakad na pasaherong hindi alam kung sasakay sila o hindi. Pangatlo naman sa shade house sa tapat ng Villa Grande Homes ganun din, hihintayin din ang mga pasaherong lumalabas sa subdibisyon pero di rin sigurado kung sasakay. Pang-apat sa kanto ng Sol St na umaabot minsan ng limang minuto; sunod ay sa tapat ng dating Royal Ann Hotel na para bagang naghihintay ng multong lalabas sa abandonadong gusali; ang sunod na hinto ay special stop kung linggo o may okasyon lang sa Carmelite. At ang huling hinto na pinakamatagal at nakakapikon ay ang distansiya mula sa SSS hanggang Concepcion Church kung saan umaabot ng 5 hangang 7 minutos ang paghihintay habang unti-unting tumatagaktak ang pawis ng mga pasahero sa init at ang iba’y nagmamaktol na’t bumubulong-bulong. Sa lugar na ito bumababa ang mga pasahero na mula Pili hanggang Legaspi, kaya dito rin makikita ang pag-aagawan ng mga jeep sa iluluwang pasahero ng ibang sasakyan, isama na rin ang mga pasahero mula Greenland ng Pequeña. Sa lugar na ito kadalasan dinadapuan ako ng yamot habang binibilang ang natitira pang minuto bago mahuli sa klase o kung hindi pa ba ako absent.

Kahit siguro magngitngit ako sa sobrang badtrip ko sa kanila wala ring magbago, baka kasi talaga sa trabaho nila kailangan talagang maghintay sa halip na mangarera. Sa halip na magreklamo ako (kahit sa isip lang), inisip ko kung pano ang maging drayber. Umupo ako sa unahan ng jeep katabi nila at hinayaan kong dalhin ng biyahe nila.

Natuklasan ko na ang pagiging drayber pala ay parang pagmamakata. Kung mahal ng makata ang salita, mahal naman ng drayber ang kanyang mga pasahero. Magagawa niyang hintayin ang salita tulad ng paghintay ng drayber sa mga pasahero mula sa mga hintuan. Ang masaya sa paghihintay na ito, hindi alam ng drayber kung sasakay ba ang pasahero o hindi. May pagkabagabag sa paghihintay,  may ibang pasaherong nakatingin at nag-aabang rin kung may sasakay o tuluyang masasayang ang ilang minuto nilang paghihintay. Gayunpaman, matiyagang naghihintay ang drayber, dahil sa posibilidad na sumakay. Posibilidad na siyang tanging pinanghahawakan ng bawat drayber sa bawat pasada. Kung bakit kailangan maghintay ng pasahero ay katulad ng paghihintay ng makata sa salita na maghayag ng sarili. Kung sasakay man sila (pasahero at salita) o hindi, kailangan pa rin silang paglaanan ng espasyo para pumasok sa atin.

Ang bawat pasada ay posibilidad, ang pagpara ng pasahero ay mga posibilidad, ang bawat usapan ay posibilidad. Kahit sabihin nating tayo ang may hawak ng manibela, pasahero ang nagtatakda ng kanilang pagsakay at pagbaba, tulad ng salitang dumarating at umaalis, nagtatago at nagpapakita, at tayong mga drayber ay taga-abang lamang sa kanilang pagsakay. Kadalasan, naghihintay tayo sa ating mga nakasanayang hintuan, pero minsan nasa ibang lugar sila’t naghihintay. Yung right place at the right time kumbaga. Ang pagkatuklas ng isang ideya ay posible din sa iba, dahil sa paghihintay mo na dumating ang pasahero sa isang terminal, nakuha naman ng iba yung sasakay sana sa’yo. Pero gano’on talaga, hindi mo pwedeng kunin lahat ng pasahero kahit hintuan mo pa lahat ng hintayan.

Natuwa ako sa ideya na minsan ang engkwentro ng drayber sa pasahero ay parang engkwentro ng makata sa salita. Ang bawat pasahero ay natatangi. Papara’t sasakay sila sa kung saan nila gusto, andun ka nama’t handang patuluyin sila. Uupo sila’t maghihintay hanggang makarating sa pupuntahan, magbabayad. Papara’t bababa. Sa pagitan ng pagsakay at pagbaba, may posibilidad ng pagkilala. May kwentong mapapakinggan o sulyap na mamarka. Mula sa salamin makikita ang iba’t ibang itsura ng pasahero, kung paano sila tumingin saking mga mata. May matutuklasan mga bagong bagay at matutuwa. May mga bagong kwentong mabubuo sa isip at mabibigyan ng karugtong ang kwentong ipinapakita nila, ngunit hindi pa ito ang katotohanan. Kailangang hayaan silang maging sila. Ako’y tagamasid lamang.

Bilang drayber, dapat marunong makinig, wag masyadong lakasan ang radyo kung gustong marinig ang kanilang sinasabi. Ganito nagmarka ang salita sa akin. Dumarating sila sa mga oras na di ko inaasahan, dumadagsa na parang jumackpot sa pagragasa nila. Kailangan pakinggan ng maigi nang maisulat sa papel, kailangan ng pakiramdam at atensyon, baka magmintis ako ng hinto sa kanilang pagpara.

Minsan may pagkakataon na magkwekwento ang mga pasahero, maghahayag ng mga karanasan o opinyon sa kung anuman. Minsan hindi ko sila makuha o maintindihan, pero sa kalaunan nagamay ko na rin. Sa kanila ko natutuklasan na higit pa sa mga kwento ng aking mga kaibigan ang mundo. Ang bawat engkwentro ay may kwento, at ang bawat kwento ay naglalatag ng posibilidad—ng bagong pagtingin sa mundo.  At dahil sa dami ng posibilidad, maging handa kung may manganganak na buntis, kung tututukan ng ice pick ng isang maamong holdaper, kung pahihintuin ng pulis para bigyan ng regalo imbes na hingan ng kotong, o kung magiging biktima ng wow mali at lumabas sa TV.  Ang mga enkwentrong ito ang bubuo sa iyong kwentong pagsasaluhan sa inuman ng mga kapwa makata.


Reflection paper for Philosophy of Language and Culture

Sukat


Pagmulat ng mga mata, bumati ang nakalululang kalawakan. Ito’y napakalaking silid na hindi ko makita ang dulo. May liwanag mula sa taas na siyang nagbibigay wangis sa libu-libong pintuan. Kakaiba ang mga pintuang iyon. Nakatayo sila na para bang nakadikit sa mga ‘di nakikitang bahay o gusali. May samu’t sari silang mga kulay, laki, disenyo at materyales. Ang iba’y inukit mula sa nara at imported na kahoy, ang iba nama’y may halong metal at plastik.  Ang iba’y may doorbell o kaya’y may intercom, yung isa nama’y may CCTV camera pa habang ang iba nama’y may butas na sinisilipan mula sa loob. Natawa ako dun sa pangkatok na ukit ng isang lalaking nakabuyangyang ang dalawang naglalakihang bayag. Yung isang pinto labis ang paniniguro; sa pinakalabas, may barandilyang bakal laban sa magnanakaw, tapos sunod yung screen door laban naman sa lamok bago mo makita yung pinakapinto na tadtadn naman ng mga kandado. Yung isa naman pinalamutian ng mga inukit na santo mula sa langit, may istatwa ng Santo Trinidad at may mga anghel na nagsisitrumpeta sa mga ulap. Kung prepresyuhan ang pintong iyon, aabutin ito ng milyon, mahal na kaya ang gold leaf ngayon. Sa may kalayuan may pintuan na tila pinapasukan lamang ng mga bossing sa mga multinational corporation, may salamin sila na maaninag mo ang nasa kabila pero ‘di mo makikita. Kung bakit ko nasabi na sa kanila lamang yung pinto, may pangalan kasi nila ito kasama ang pagkahaba-habang mga titulo. May dalawa o tatlong pinto na parang gas chamber, mabigat ang bakal na ginamit sa kanila paniguradong walang lalabas na hangin mula sa kabilang pinto.
Sa karamihan ng mga pinto at pintuan, ako na naitapon lang naman sa kalawakang ito, ay nagsimulang magtanong kung bakit nga ba ako nandito. Naisip kong baka isa sa mga pintong ito ang daanan-palabas.
Inaaliw ko pa rin ang sarili sa pagbubusisi sa mga disenyo ng libu-libung mga pinto, hanggang sa bigla na lang nila akong kinausap.
“Psst. Gusto mo bang pumasok sa’kin?” sabi ng pintuan na puno ng patay-sinding Christmas light sa palibot. “Bibigyan kita ng daang palabas dito.”
“Wag kang maniwala sa kanya, sinungaling yan,” sabi ng lalaki sa berdeng tarpaulin na nakasabit sa pinto ng isa. “Marami nang napahamak diyan, dito ka sa’kin.”  Pumupungay ang mga mata niya sa ilalim ng kanyang salamin habang sumasayaw ang kanyang kilay.  Umaayon rin ang kanyang bigoteng nakaupo sa maliksi niyang bibig. Kung titilamsik lang ang laway sa labas ng tarpaulin, iisipin niyang binibendisyunan niya na ako. Hindi ko masyadong napakinggan ang kanyang mga sinabi, isang pangungusap lang ang tumatak sa akin mula sa mga sinabi niya, “Bibigyan kita ng buhay na walang hanggan.”
“Maniwala ako sa’yo, peke kang pinto, gaya-gaya,” panunuya ng kerubin mula sa gintong pintuan na puno ng ukit.
“Marami nang pumasok sa pintuang ito, ito ang piliin mo, ako ang magbibigay sa iyo ng buhay na walang hanggan,” sabay-sabay na sambit ng Santo Trinidad.
“Suriin mong maigi ang iyong pipiliin,” sabi ng pintong may intercom at CCTV camera.    
Kumuha ako ng papel, lapis at ruler mula sa aking bag. Nagsimula akong magsukat. Naisip ko kasing mahirap pumasok sa isang pintuan at hindi na makalabas, kaya kailangang swak ito sa sukat ko, kasi kung masyadong malaki ang pinto mabigat ito, at hindi ko makayang itulak papalabas. Kung masyado namang maliit ang pintuan baka hindi ako magkasya dito. Maliban sa sukat, kailangang maayos rin ang itsura nito—detalyado ang disenyo, kapita-pitagan na walang halong pambobola o panloloko. Kaya gumawa ako ng criteria for judging: 50% aesthetic appeal, 20% reliability and honesty, 20% originality and 10% audience impact na ako rin lang naman.
Habang libang na libang ako sa pagsusukat at pagkikilatis ng mga pinto, bumulaga ang isang lalaki. Matagal niya akong pinagmasdan habang nagsusukat ng mga pinto. Bata pa ang lalaki, parang kaedad ko lang siya. Natuwa naman ako’t hindi ako nag-iisa, pero hindi ko muna siya maasikaso, kasi kailangan kong mahanap dito ang pinto. Halos ilang oras ko na rin silang sinusukat at inililista.
Nang hindi na siya nakatiis, nagsalita na siya. “Bakit mo sinusukat ang mga pinto?” tanong niya.
“Gusto ko lang makasigurado,” sagot ko.
“Makasigurado na ano?” tanong niya.
“Na tama ang mapapasukan ko.”
“Ano naman ang batayan mo sa pagsusukat? Ano bang gusto mong pasukan?”
“Gusto kong mapasukan yung pinakamatuwid at pinakamaganda.”
Bigla siyang tumawa ng napakalakas. “Hindi naman kaya kabaong ang hinahanap mo?”
“Hindi, ah!” inis kong sagot, “naniniwala lang kasi ako na isa sa mga pintong ito ang magdadala sa akin sa buhay na walang hanggan. Nang maitapon ako sa kalawakang ito, wala akong ibang ginawa kundi magbusisi ng mga pinto. Hanggang sa isang araw, inalok nila ako ng buhay na iyon. Kaya patuloy na nagsusukat.”
Medyo sumeryoso ang mukha niya. Nagmuni-muni siya ng konti at nagtanong. “Bakit mo hinahanap ang tamang pinto sa pagsusukat ng mga pinto at pintuan? Ayaw mo bang pumasok muna sa mga pintuan para malaman mo kung yun nga ang tamang pinto?”
“Ayoko. Takot akong baka masarahan ng tuluyan sa loob ng isang pinto at dun mamatay.”
Ngumiti lang siya at nagwika, “Tara…”

Thursday, 15 November 2012

Sayaw kan mga Palatakot


Sa umahan duman samo
nagsasarayaw an mga bado.
Mina-tango sa mga doot
an mga palatakot.
Hinihimate kan duros
an mga tulak nindang rotos,
kinakabring an mga daghan
na daing pag-alangan,
pinapatos nin hadok
an saindang mga pandok
na pinapangirit nin asayte
na karumarom kan banggi.

Sabi kan mga gurang
an paros may darang helang,
kaya dai pagsangaba
an alisngaw sa iraya,
ta kun mamidbidan kan laman
an girabong nangingidam,
maugbon nin takot an takot
na suhay pa sa mga palatakot,
ta kun sain naghahali an paros
nagpapagaspas an mga dignos. 

Wednesday, 3 October 2012

Reflection Paper: Reaching Rommel



Sa aking karanasan, maraming Mr. Tyler ang humikayat sa akin sa iba't ibang paraan para magbasa, hindi kinakailangan na maging guro sila o buhay na tao. Ang bawat engkwentro ay isang bagong tuklas na pinto patungo sa kanilang mundo.

Marahil mapalad ako dahil meron kaming mga libro sa bahay. Parehong guro ang aking mga magulang at sinikap nilang mabilhan kami ng encyclopedia, children's book, atlas, at condensed literary collections. Pinakapaborito ko sa mga libro sa bahay ang Arthur Mees Children's Encyclopedia. Kasama ko ito tuwing tumatakas ako mula sa sunod-sunod na utos ng mga kuya at ate ko, kasama ko ito tuwing nagbabanyo ako nang halos isang oras para tapusin ang isang kwento o artikulo, kasama ko ito bago matulog. 

Sa koleksyong ito naging kaibigan ko sina Winnie the Pooh at Alice ng Wonderland, nasaksihan ang rebolusyong Pranses kasama ang mga pagpugot ng ulo ng mga hari at reyna, naglibot sa malalayong kaharian sa Aprika, gitnang Europa, at Asya, at gumawa ng kung anu-anong experimento sa likod ng aming bahay.

Hinubog ng pagbabasa, paglalaro at panonood ng TV ang aking kabataan. Sa mga cartoon na pang alas diyes ng umaga ako nahilig sa panitikan. Sina Judy Abbot, Huckleberry Finn, Annie Giddygaddy, Heidi, Romeo at Remy ang nagpakita sa akin na masayang magbasa. Si Alfred, isang karakter sa seryeng Mga Munting Pangarap ni Romeo ang una kong idolo, sa isang kabanata ng kwento, isinalin niya ang isang nobela sa edad na 14. Sa serye ding ito nagkaroon ako ng interes sa arkitektura dahil sa rikit na taglay ng katedral ng Milan. Nangarap ako kasabay ni Heidi, sabay naming pinanood ang nagliliparang letra at nota, kasabay ng mga kambing na pinapastol nila ni Peter, sa kalangitan ng Alps.

 Sa mga nakababata sa aming magkakapatid ako lang nahilig magbasa ng panitikan, hindi ko masisisi ang mga kapatid ko dahil ang mga Sabado't Linggo namin noong bata pa kami ay nauubos sa pagtulong sa gawaing bahay at pagtulong sa negosyo. Hindi cynical ang pananaw ko sa mundo noong bata pa ako, malawak ang inaabot ng aking imahinasyon. Gumagawa nga ako ng sarili kong mga kwento't iginuguhit ko ang mga eksena sa likod ng mga karton ng sigarilyo. Hindi ito normal sa isang pamilyang napakapraktikal mag-isip, kaya tinatawag akong abnormal ng mga kapatid ko.

 Pagdating ng high school, naging akademiko ang naging turing ko sa pagbabasa. Nagbabasa lamang ako ng iniuutos na basahin ng aking mga guro. Nagbasa lang ako ng A Tale of Two Cities at David Copperfield dahil required ito ni Ma'am Sally Tapan at Ma'am Eden Maguigad. Nagalit din ako sa pagbabasa dahil sa katakut-takot na karanasan ko sa SRA. Hindi ko talaga gustong magbasa sa isang aircon na silid, parang may maliliit na kamay na humihila sa talukap ng mga mata ko pababa. Maya-maya'y mamamalayan kong naglalaway na ko't humihilik, habang pinagtatawanan ng mga kaklase ko. Ayoko ring sumagot ng mga tanong sa SRA booklet. Namatay ang interes ko sa pagbabasa.

 Binago ng mga kaibigan ko noong nasa kolehiyo ako ang aking pananaw sa pagbabasa. May mga taong nagbalik sa aking interes dito. Ang pangangailangang sa pagtanggap ang nag-udyok saking magbasa. Siyempre, kailangan kong makipagsabayan sa pinag-uusapan nila, kaya hinamon ko ang sarili kong magbasang muli. Nakita ko ang silbi ng O'Brien, nung first year ako, naubos ko ang mga libro ni Sidney Sheldon at ang mga unang libro ng Harry Potter. Pagdating ng second year hanggang fourth year, nakilala ko ang gawa ng mga lokal na manunulat tulad nina Ambeth Ocampo, Rolando Tolentino, Bienvenido Lumbera, Jason Chancoco at Kristian Cordero. Andiyan rin ang mga gawa nina Foccault at Derrida si Pilosopiya, Bhabha at Thiong'o sa literatura, at Chomsky sa kultura't lengwahe. 

 Malaki ang ambag ng Pillars sa kamalayan ko sa lipunan. Matapang at radikal, ngunit masaya't romantiko rin. Sina Emmanuel Lacaba at Edgar Jopson na pawang mga makatang-mandirigma ang nagbigay sakin ng ibang pananaw sa pagsususlat. Si Jose Lacaba (kapatid ni Emmanuel), na siyang sumulat ng Days of Disquiet, Nights of Rage, ay maihahambing ang tatas sa lengwahe sa paghabi ng imahen ni J.K. Rowling. Sa kanyang detalyadong deskripsyon ng Sigwa sa Unang Kwatro (First Quarter Storm) sa huling parte ng dekada 60 at unang mga taon ng dekada 70, maamoy mo ang dugo't pawis ng libu-libong kabataang sumali dito, kasabay ng usok mula sa pulbura't molotov na sumasabog; maririnig mo ang pagsigaw nila ng “makibaka, wag matakot!” habang umaalingawngaw ang mga sirena ng metrocom; mararamdaman mo ang takot sa bawat pagsapit ng dilim habang bali-balita pa lamang ang nakaambang pagdedeklara ng Batas-Militar. Ganito inilarawan ni Lacaba ang rebolusyon, isang balon ng panitikan. Ngunit, hindi na bago sa aking kamalayan ang mga sinulat nina Marx, Engels at Lenin. Sa unang taon ko palang sa kolehiyo, pinagbasa na ako ni Dean Reganit ng librong Pedagogy of the Oppressed ni Paulo Freire.

 Binago ng edukador mula Timog Amerikang si Freire ang pananaw ko sa edukasyon at pagbabasa. Sa kanya ko natutunan na hindi lamang ABC at 123 ang kailangan ituro sa paaralan. Kasabay ng pagtuturo kailangang lubos na maintindihan ng bawat guro ang pangangailangan, damdamin at pangarap ng kanyang mga mag-aaral.

 Ang mga mag-aaral ay hindi mga bangko na pag-iimpukan ng karunungan at kokolektahin sa tamang panahon. Tulad ng paghahambing ni Cordero sa kanyang tulang “Kamuti” ang sistemang ito ng pagtuturo, hindi mga paso ang mga mag-aaral natin na tatamnan natin ng mga wakag ng karunungan at hihintaying magkalaman. Sila'y mga buhay na indibidwal na may kakayahang mag-isip ng tulad natin, na kung magtitiwala tayo sa kanila ay higit pa sa pagmememorya ang kanilang kayang matutunan.

Minsan iniisip kong repleksyon ang mga estudyante ng kanilang mga guro. Marahil may mali sa kaisipang ito, ngunit may punto din marahil. Aminado ako na marami pa akong kailangang basahing libro, kulang na kulang ang aking kaalaman para masabi kong magiging mahusay akong guro. May kaba sa aking dibdib para sa magiging estudyante ko sa hinaharap. Natatakot ako dahil kung kulang ang aking alam, kulang rin ang kanilang matututunan mula sa akin. Kung sa isang bukal, tigang na tigang pa rin ako. Hindi ko pa magagawang umapaw at magbigay ng nalalaman. Natatakot ako na baka mangamote rin ako.

 “You cannot give what you do not have.” Ito ang paboritong linya ng ilang guro ko dito sa Ateneo na sya ring nagsisilbing hamon sa tulad kong mag-aaral ng kursong Secondary Education. May panawagan sa akin bilang isang guro sa hinaharap na pahusayin ang aking sarili. Magbasa pa, matuto, maging bukas ang isip sa lahat ng bagay. Talunin ang cynical na pananaw sa loob ko. 

Gusto kong lumaya mula sa tanikala ng kamangmangan, at kailangan kong lumaya mula sa pagpapakasapat sa antas ng pag-alam, mababaw na pag-intindi at payak na paggamit ng karunungan. Kailangan kong sipatin ang mga bagay mula sa iba't ibang pananaw, mag-analisa bago humusga at lumikha ng mga bagong bagay mula sa kung anong alam ko na. Ika nga ng kaibigang kong si Jusan, "hindi lamang kinakain ang libro". Para sa akin kailangan nilang manahan sa ating kamalayan upang iparanas nito sa atin ang mundo, at ang kalakip nitong mga damdamin at pangarap. 

 Kailangang balikan ang mga nalimutang pangarap ng ating kabataan, ang mga pangarap na nilusaw ng kutya at takot. Marahas ang parktikal na mundo sa mga nangangarap, sa mga nagbabasa, sa mga nakaririnig ng musika't sumasayaw rito (paumanhin kay Nietzsche). Kung magiging guro tayo't walang pagmamalasakit sa mga pangarap na ito, wala tayong mahihikayat na magbasa. Hindi lamang ABC at 123 ang kailangang matutunan ng mga mag-aaral, kungdi ang mangarap. Panawagan ito sa atin bilang mga guro sa hinaharap na balikan ang mga nalimot nating pangarap, baka dito natin makita ang ating mga sarili, baka dito magsimulang dumaloy muli ang tigang nating mga bukal. 

Malaki ang idinulot na pagbabago sa akin ng mga nabasa kong mga libro. Minsan umaabot sa puntong umiiwas ako sa aklat dahil sa potensyal nitong gawing roller coaster ang buhay ko. Ngunit may kung ano sa libro na nag-iimbita sa aking basahin sila. Marahil hindi ako ganito mag-isip, kung wala akong nabasang mga libro. Ika nga ng katagang sinabi ni Isaac Newton na nakasulat sa t-shirt namin noong 4th year high school kami “The reason I can see farther than the others is that I'm standing on the shoulders of giants.”

Sunday, 16 September 2012

Pasahero


Sasakay sila't bababa nang di man lang sinsasabi ang kanilang pangalan. Ang alam ko lang ang kanilang kantong bababaan, ang binayad nila at isinukli ko. Minsa'y naghihintay sila sa mga abenidang di ko inaasahan. Kadalasan nama'y hinihintay ko sila na parang mangingibig sa sinisinta kahit hindi ko sigurado kung sila'y sasakay, ayun, naghihintay at umaasa. Minsan pumapara sila bago pa man ang kanilang babaan. Minsan nama'y sinasamahan nila ako sa aking hihintuan. Ngunit pagkatapos ng pasada, mag-isa pa rin akong akong umuuwi.

Monday, 27 August 2012

Kay Tiya Edad


Sa susunod na mga araw, gugunitain na namin ang unang anibersaryo ng kamatayan ng aking tiyahin na nag-aruga sa aming walo. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa aking memorya ang naganap na libing noong isang taon. Nagsiuwian ang mga kapatid ko mula Maynila, Australia at Netherlands. Nagdatingan rin ang mga kamag-anak namin na halos hindi ko na nakikita mula nang mag-away away sila ng aking mga magulang. Gayundin kaming magkakapatid. Si Tiya Edad marahil ang tanging nagbubuklod sa amin.

Sa kanyang kamatayan, nagawa pa rin ni Tiyang kami'y pagtagpu-tagpuing magkakamag-anak kahit na milya milya na ang layo ng mga loob namin sa isa't isa. Kahit kami magkakasama sa lamay, para bang hindi rin kami nagkakausap madalas. Naiilang pa rin kami sa isa't isa. Tanging mga kwento tungkol sa masasayang araw namin kasama ni Tiya Edad sa Libmanan ang napapagkwentuhan namin. Kung pano kami ginigising at pinapaliguan habang may inaantok pa, kung papano kami pinagtatanggol ni Tiya sa mga umaaway sa amin. Tanda ko, isang hapon umuwi yung pinsan kong si Cathy na umiiyak, inutos ni Tiya Edad kay Kuya Boboy na hanapin ang bata at sabi niya, "darhon mo ining payong, sukbita". Tinawanan namin ang kanya-kanya naming kwento ng kapasawayan, kung ilang beses kaming napalo ng stick ng kawayan at kung ilang beses rin naming matagumpay na naitusok sa kanal ang pamalo ni Tiya. Si Ate Patet naman kwinento ang dahilan kung bakit namin tinawag si Tiya Edad na Popi. Nang minsang naghahanap siya ng panty, bigla niyang nakita ang pangalang Popi, buong araw niyang inisip kung sino ito, at nang ikutin niya ito, Idad pala ang nakasulat. Inakala niya pa naman niya na may bagong sulpot na tao sa bahay.Dahil doon nabinyagan si Tiya ng bagong pangalan.

Sa halip na tahimik na burol, umapaw ang tawanan namin habang sinasariwa ang makulay na bokabularyo ni Tiya na tubong La Purisima, Nabua. Para sa kanya ang pusa ay kurasmag, ang manok ay malpak, ang aso ay dayo, ang tubig ay melbig, ang pera ay samagtak, ang bibig ay nguraspak, at marami pang iba. Marahil nakatulong din ang pag-alala naming iyon para malimot rin ang mga iringan at hinanakit. At sana'y hindi pa huli ang lahat sa amin.  

Masakit ang lisanin ng minamahal. Ngunit marahil tanggap na rin namin ang kanyang pamamaalam. Pinagpapalagay ko na lamang na ang kamatayan ay higanteng sibuyas na biglang hiniwa-hiwa upang sabay-sabay tayong lumuha habang umaalala't lumilimot.