Sunday, 26 August 2012

Kagat ng Yamot


Naiinis ako sa sarili ko kasi para na naman akong balloon na biglang pinawalan habang nawawalan ng hangin. parang rocket na walang direksyon. Waaaa! di ko na alam na naman ang gagawin. lumulobo ang problema, habang pinoproblema ako kung saang pupunta ang buhay ko, saan ako mauubusan ng hangin, saan mauubusan ng lakas. Masakit ang ulo, di alam ang gagawin.

Masaya ngunit kulang. Parang walang makapupuno sa puwang na ito. Wala.

Gusto kong sumigaw. Lunurin ang sarili ko sa ingay. Pero mas gusto ko pa rin ang mag-isa. Ayoko muna ng kasusap. . Pero takot akong kausapin ang sarili, gaya ngayon. Mas gusto kong matulogGusto ko munang huminga, kahit pagod na pagod ang aking baga. Wala nang yosing mahihithit, bawal din kasi kina ermats at erpats.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagtanda, ang paghina ng katawan. Alam kong 50 years old ang lifespan ko. Tinanggap ko na yun. Napanood ko yun sa isang karakter na ang pangalan ay Boris na ayaw niyang umabot ng 50, kapag dumating yun, babarilin daw niya sarili niya. Baka ganun din ako. Minsan 'di ko nakikita ang punto ng mabuhay. Parang kung walang sining sa buhay ko, wala na siguro akong titingnang halaga o silbi ng buhay. Mas iisipin kong aksidente lang ang buhay na ito, at ako'y gumagalaw lamang ayon sa natura ng aking pag-iral.

Naiinis akong unti-unting nababasag sa harapan ko ang mga bagay na niyakap ko. Para silang mga kastilyong buhangin na tinuyo ng araw at unti-unting hinihipan ng hangin. Ang maliliit na butil ng mga ideya't emosyong kaakibat ng mga ito'y kumakalas, at bumabalik ako sa pagkawalang hugis. Sa puntong ito ng buhay ko, nakararamdam ako ng mas matinding kaba. Mas hindi ko alam ang darating, kahit napaka-predictable kong tao. At kahit napakadali kong basahin. Walang naitatago ang mukha ko. Kitang kita ang kaba sa mukha ko.

No comments:

Post a Comment